5 crew ng lumubog sa motor banca sa Occidental Mindoro, nailigtas ng PCG

Limang crew members ng isang motor banca ang ni-rescue ng Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatan ng Occidental Mindoro.

Ang naturang motor banca ay lumubog dahil sa malakas na hangin at alon.

Agad din na nilapatan ng lunas ng PCG medical team ang mga nasugatan na crew members.


Sa ngayon, ligtas na ang mga na-rescue na crew members.

Facebook Comments