5 Dahilan Kung Bakit Dapat kang Mag-ipon Kesa Bumili ng Bagong Gadget

Kating-kati ka na namang bilhin yung bagong labas na smartphone? Ito ang ilang dahilan kung bakit dapat mag-save ka na lang kesa bumili ng bagong labas na gadget:

 

1. Pag-iipon para sa sariling bahay

Idol alam kong gustong-gusto mo nang bumili ng latest model ng phone pero para mas maging financially stable tayo mas maganda kung pag-ipunan natin ang mga mas importanteng bagay gaya ng pagkakaroon ng sarili mong bahay. Isipin mo nalang kung ilang phone ang mabibili mo kung hindi ka na nagbabayad ng renta kada buwan?

2. Pang-grocery
Aanhin naman natin ang magandang phone kung wala namang laman ang tiyan natin? Kung nais natin ng magandang phone siguraduhin natin na makakakain pa rin tayo ng sapat sa isang araw dahil ayaw naman natin magkasakit ‘di ba idol? Kaya dapat lang na ugaliing maglaan ng sapat na pera para sa ating pamamalengke.
3. Electric at Water Bills
Idol napakaraming gastusin sa panahon ngayon kaya naman bago pa natin isipang palitan ang ating phone ay siguraduhin nating hindi tayo mapuputulan ng kuryente at tubig.
4. Para makabayad ng utang.
Kung marami ka pang utang idol, mas mabuti naman atang unahin nating bayaran ito nang hindi tayo mabaon sa utang. Lalo na kung sa mga malalapit na kaibigan tayo nangutang dahil mas mas importante ang mga friends nating laging nandiyan kaysa sa ano mang materyal na bagay. Siguraduhing mangungutang lang tayo kung tunay na kailangan dahil kung masanay tayong nangungutang ay hindi natin mamamalayan na nalubog na pala tayo.
5. Para sa emergency
Knock on the wood pero dapat ay lagi tayong may extrang pera para sa mga hindi inaasahang maaaring mangyari.
Idol alam naming labis na kaligayahan at enjoyment ang nabibigay ng bagong phone pero kung kaya pa namang pagtiyagaan ang phone natin ngayon, wala namang masama na unahin ang mga bagay na dapat mas pagtuunan natin ng pansin.

Article written by Albert Soliot

Facebook Comments