Cauayan City, Isabela- Lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ang National Housing Authority (NHA), Philippine Army at limang (5) dating miyembro ng rebeldeng grupo kaugnay sa kanilang matatanggap na housing assistance packages sa Brgy. Bangag, Lal-lo, Cagayan.
Ang Memorandum of Agreement ay tungkol sa Comprehensive Local Integration Program (CLIP) para sa mga dating miyembro ng CPP-NPA-NDF na pinalawak pa ng Administrasyong Duterte hanggang sa mabago ito bilang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) para magbigay ng mas komprehensibo at napapanatiling mga benepisyo kabilang programang pabahay.
Layunin ng programa na maipatupad ang pagkakaisa ng bansa sa pamamagitan ng komprehensibong programa sa pabahay, isang buong bansa na tungo sa mas mataas na layunin na makamit ang isang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan.
Sa pamamagitan nito, mas makabubuo ng hanay ng mga benepisyo at serbisyo sa mga nagpasyang ibigay magbalik-loob sa pamahalaan.
Ayon kay PCol. Ariel Quilang, Provincial Director ng Cagayan PNP, lubos itong natutuwa dahil sa wakas, nakikita na umano ang resulta at bunga ng pagsisikap sa pagsulong at pagpapaigting ng Executive Order Number 70.
Hindi rin umano biro na pasukin ang mga CTG-affected barangays at magsagawa ng programang alam na maaaring ikapahamak ng bawat isa ngunit sa ngalan ng pagtutulungan, taas noo umano itong nagampanan ng pulisya ang trabahong sinumpaan.
Pinuri naman ni PCol. Quilang ang lokal na pamahalaan ng Cagayan dahil sa suporta at pagsusulong na makapagbigay ng katuparan at mabigyan ang mga dating rebelde ng sarili nilang mga bahay na minsan ng nalinlang ng kalaban ng pamahalaan.