5-day lockdown, ipapatupad sa Perth, Peel at South West Region sa Western Australia simula mamayang alas 6:00 ng gabi

66

Simula mamayang alas 6:00 ng gabi, isasailalim sa full lockdown ang buong Perth, Peel at South West Region sa Western Australia (WA).

Ito ay makaraang magpositibo sa COVID-19 ang isang security guard na nagtatrabaho sa Sheraton Four Points sa Perth na nagsisilbing hotel quarantine.


Sinasabing may apat na aktibong kaso ng COVID-19 sa nasabing hotel kung saan dalawa sa kanila ay tinamaan ng UK variant habang isa ang nakitaan ng South African variant ng COVID.

Ayon kay WA Premier Mark McGowan, posibleng UK variant din ang tumama sa hotel quarantine worker.

Agad namang isinailalim sa COVID-19 test at isolation ang mga naging close contact ng pasyente.

Pinayuhan din ang mga mamamayan nito na nagtungo sa mga lugar na pinuntuhan ng COVID-19 patient na magpa-test.




Samantala, isasara rin ang lahat ng eskwelahan at business establishments sa mga lockdown area.

Tatagal hanggang alas 6:00 ng gabi ng Biyernes, February 5, ang lockdown.

Facebook Comments