Maaaring mag-apply ng special five-day emergency leave ang mga opisyal, teaching at non-teaching personnel ng Department of Education (DepEd) kung sila ay direktang nasalanta ng kalamidad at sakuna.
Ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo, ang Special Emergency Leave (SEL) ay mayroong hanggang limang araw sa isang taon at hindi ito ibinabawas sa naipong leave o service credits ng empleyado.
Ang mga empleyadong matinding naapektuhan ng kalamidad gaya ng bagyo ay maaaring mag-avail ng SEL sa loob ng 30 araw mula sa aktwal na nangyari ang natural calamity o disaster.
Maaaring gamitin ang SEL ng diretso o hati-hatiin sa iba’t ibang araw.
Ang mga manggagawa naman sa ilalim ng Job Order o Contract of Service ay pwede ring mag-avail ng SEL basta naabot nila ang kinakailangang verification.
Mahalaga ring alam ng kanilang immediate supervisor ang pag-apply nila para sa SEL at maihain ito pagkabalik ng empleyado sa kanilang trabaho.