5 elepante, patay nang subukang iligtas ang nalunod na batang kasamahan

Courtesy of Thai PBS World

Limang matatandang elepante ang namatay matapos tangkaing iligtas ang isang kasamang 3-taon gulang na elepante na nalunod sa isang talon sa Thailand.

Nangyari ang insidente nitong Sabado sa Haew Narok waterfall o kilala ring “Hell’s Abyss” sa Khao Yai National Park.

Dalawa sa kawan ng elepante ang nakaligtas at nasagip ng mga opisyal ng parke mula sa gilid ng talon.


Ayon kay Khanchit Srinoppawan, puno ng naturang parke, ipinagbigay-alam sa kanila na may mga naririnig na elepante mula sa talon at nang puntahan ay nadiskubre ang wala nang buhay na elepante.

Nakita naman sa ibang bahagi ng talon ang lima pang matatandang elepante.

Pansamantalang isinara sa publiko ang parke kasunod ng insidente.

Facebook Comments