Umabot sa P115,000.00 na halaga ng pera ang naipamahagi sa mga former rebel (FR) kung saan, isang (1) FR ang nakatanggap ng DILG-administered Assistance Package na nagkakahalaga ng Php 65,000.00 na iginawad ng DILG-Quirino at PhP10, 000.00 bawat isa mula sa Provincial Local Government Unit ng Quirino.
Gayundin, (4) FRs ang nakatanggap ng PhP10,000.00 bawat isa mula sa PLGU Quirino na pinangasiwaan ng PSWD Office.
Ang tulong sa mga FR ay bahagi ng mga pagsisikap ng pamahalaan sa pamamagitan ng E-CLIP, na naglalayong tulungan ang kanilang muling pagsasama sa isang maayos na lipunan.
Samantala, ang dating rebelde na si “Ka Nika” ay nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat sa pamahalaan sa lahat ng tulong na ibinibigay sa kanila upang sila ay mamuhay nang mapayapa kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
Dahil dito, suportado ng 86IB, kasama ang iba pang miyembro ng Task Force Balik-Loob ang mga FR upang magsimula ng bagong buhay.