5 Gadgets na Pasok sa Wishlist ng mga Millenials

Ano pa ba ang mga hihilingin lalo na ng mga kabataan? Bukod sa mga pagkain na kagustuhan, lalo na ng mga kabataan sa panahon ngayon, na makakamtan natin sa panahon na ito lalo na ang papalapit na pasko ay ang mga kagamitan lalong lalo na ang mga bagong gawa’t nag-iimprove na mga gadgets.

Heto ang ilang mga gadget na sikat na sikat sa ating mga wishlist.

Drones


Pagkukuha ng magandang view at angle na maaring pang video at pagkuha ng picture. Mas gugustuhing gamitin lalo na kung mahilig kang gumawa ng mga videos/movies/ short film na mabibigyan ka ng mas magandang anggulo para mas maganda ang mga kuha ng iyong inirerecord. Ginagawang libangan din at maging pagkuha ng ebidensya at patunay sa mga bagay na nakuha ng drone.

 

Smartphones

Tunay na napakalaking improvement na ang nangyari sa mga smartphones pagdating sa cameras, features at mga specs nito. Ang ilang mga smartphone ay pwede ng gawing semi-laptop/semi-computer na kung saan maari ka ng magtype, magbasa, mag-encode, magprogram at mag-run ng ilang mga applications na nagagawa sa computer. Sa daming gumagamit ng mga smartphone, di lang sa bansa maging sa mundo, kitang kita na sa mga wishlist ito kahit mayroon na ang iba na may mas mababang bersyon ay humihiling pa rin ng mas mataas at latest na bersyon ng smartphone.

 

Virtual Reality (VR)

Mula sa mga video na nakikita at napapanuod natin, sa tv,computer at kahit mga cellphone, makikita natin na ang mga ito na tila isang totoo. Patok na patok lalo na sa mga kabataan na parang nae-experience mo ang nararamdaman ng character mo lalo na sa mga events at scenes.

 

Camera

Ang daming mahilig lalo na sa nausong salitang “selfie” na magkuha ng larawan gamit ang kanilang mga phone pero syempre tinitignan din nila ang quality ng camera. Sino ba naman ang gusto ng hindi magandang quality ng camera diba? Siyempre nariyan ang camera na mas maganda ang focus mas malinaw na pixels na magandang gamitin lalo na sa mga okasyon na kukuha ng mga litrato at video sa mga ito, mga tanawin na magandang pagmasdan na mas realistic tignan kung mas magandang camera ang gamit mo.

 

Laptop

Isa sa mga top na kahilingan lalo na ng mga estudyante at mga nagtratrabaho. Syempre high quality at mas prefer gaming para quality at pati na rin capacity nito ay malaki. Kung kailangan mo ng mobile ay may mga mobile app na pwede mong gamitin upang maging parang mobile ito.

May mga laptop din na may malinaw ang camera at ginagamit pang video call. Gamitin din sa paglalaro at pati na rin mga program at applications. Mas makakapag save ka rin ng mas maraming mga file at ang speed ng laptop na nagmumukhang mabilis ang internet dahil sa bilis ng laptop mo kumpara sa isang old style na laptop.


Article written by Oedipus Laguador

 

Facebook Comments