5 gov’t agencies na kailangang pagbutihin ang serbisyo, tinukoy

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na papatayin ang mga opisyal ng limang ahensya kung hindi nila pagbubutihin ang kanilang serbisyo.

Tinukoy ng Pangulo sa kanyang ika-apat na SONA ang Land Transportation Office (LTO), Social Security System (SSS), Bureau of Internal Revenue (BIR), Land Registration Authority (LRA) at Pag-IBIG.

Inatasan ng Pangulo ang mga nabanggit na ahensya na gawing simple ang kanilang transaction at pagpoproseso ng mga dokumento.


Pinasalamatan din ng Pangulo si Executive Secretary Salvador Medialdea sa pagdagdag ng mga linya sa 8888 o government complaint hotline.

Hinimok din ng Pangulo ang mga Pilipino na isumbong ang sinumang government employee o official na hindi ginagawa ang kanilang trabaho.

Facebook Comments