Naaresto ng mga operatiba ng Alaminos City Police Station, katuwang ang Regional Intelligence Division ng Police Regional Office 1, ang isang 47-anyos na tricycle driver matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu at baril sa isinagawang operasyon sa Alaminos City, Pangasinan.
Nakumpiska sa operasyon ang limang gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang P34,000, isang kalibre .38 baril kabilang pitong bala at ilang drug paraphernalias
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng Search Warrants para sa paglabag Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Alaminos City Police Station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.









