Inihahanda na ng lokal na pamahalan ng Taguig ang limang gusali na magsisilbing quarantine facility para sa mga COVID-19 patients sa lungsod.
Kabilang rito ang PWD center na ipapagamit para sa mga mild at asymptomatic cases ng COVID-19.
Ilalaan naman para sa mga Person Under Investigation (PUI) ang isang bagong tayong gusali sa Barangay Ibayo Tipas habang tinayuan ng modular tents ang Taguig Lakeshore hall para sa mga Person Under Monitoring (PUM).
Sa Lakeshore din dadalhin ang mga balikbayan na kailangang sumailalim sa 14-day quarantine.
Pwede ring tumanggap ng COVID-19 patients ang Technological University of the Philippines Campus sa Taguig.
Ang mga pulis at bumberong frontliners ay maaaring pansamantalang manuluyan sa Hagonoy Sports Complex.
Nakabili na rin ng test kits ang lgu na gagamitin sa mga susunod na araw.
Base sa huling tala kahapon, nasa 95 na ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.