5 hanggang 10 milyong doses ng Sputnik V, target na ma-order ng Pilipinas

Nakatakdang bumili ng Pilipinas ng lima hanggang 10 milyong doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine ng Russia kapag nabigyan na ito ng Emergency Use Authorization (EUA).

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., nakatuon ang pamahalaan sa mga bakuna ng Russia at Sinopharm vaccine ng China lalo na at mayroong supply shortage mula sa western manufacturers.

Ang Sinopharm ay naghain na ng EUA application nitong umpisa ng Marso.


Ang Food and Drug Administration (FDA) ay nagpadala na ng team sa Russia para inspeksyunin ang manufacturing plant ng Gamaleya Research Institute bago isyuhan ng EUA ang Sputnik V.

Facebook Comments