5 hanggang 15 taong pagkakakulong at hanggang P2-M multa, posibleng kaharapin ng mga hindi susunod sa SRP ng basic face shields

Maaaring umabot hanggang dalawang milyong piso ang multa sa mga seller na hindi susunod sa Suggested Retail Price (SRP) para sa non-medical grade face shields.

Paliwanag ni Department of Trade and Industry (DTI) Usec. Ruth Castelo, sakop ng Price Act ang SRP ng face shield dahil deklarado itong basic commodity o essential good ng Department of Health (DOH).

Bukod sa multa, papatawan din ng lima hanggang 15 taong pagkakakulong ang lalabag sa SRP.


Ang non-medical grade face shields ay may SRP na P26 to P50 habang ang heavy duty face shields na gawa sa acrylic cover at rubber strap ay maaaring ibenta sa halagang P500.

Simula sa Sabado, August 15, mandatory na ang pagsusuot ng face shield sa mga public transportation at workplaces bilang pag-iingat sa COVID-19.

Facebook Comments