5 hinihinalaang tulak sa iligal na droga, timbog sa buy-bust operation sa Marikina City

Kalaboso ang limang pinaghihinalaang tulak sa iligal na droga matapos na maaresto sa isinagawang buy-bust operation sa G. Cruz St., Brgy. Concepcion Uno, Marikina City.

Kinilala ang mga suspek na sina Jane Paula Florencio, 21-anyos; Aries Flores, 23-anyos; Jayson Dela Cerna, 21-anyos; Richmond Atienza, 23-anyos at Jorhel Rallion Sto. Domingo, 18-anyos.

Batay sa imbestigasyon ng Marikina Philippine National Police (PNP), nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Marikina City Police Station ng buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek kung saan narekober sa kanila ang anim na pirasong transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang droga na tumitimbang ng humigit-kumulang 18 gramo at nagkakahalaga ng P122,400.


Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments