Nasawi limang hinihinalang hijacker sa pakikipag-engkwentro sa mga tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) kaninang alas-4:00 ng madaling araw.
Ayon kay HPG Director Police Brigadier General Alex Tagum, naganap ang engkwentro sa Taloy Sur Proper, Marcos Highway, Tuba, Benguet.
Nakatanggap aniya sila ng sumbong sa hijacking incident sa lugar kaya agad silang rumesponde.
Naabutan nila ang limang lalaki na sakay sa ninakaw na van truck na may plate number ADH 3116 at isang gray na SUV na walang plaka.
Nagkaroon palitan ng putok na nagresulta sa pagkakasawi ng limang suspek.
Hindi pa tukoy ang kanilang pagkakakilanlan ng mga nasawing suspek.
Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.
Facebook Comments