Posibleng ibaba na sa moderate risk ang limang highly urbanized cities sa mindanao matapos makitaan ng pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Sinabi ni OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David na nakitaan na ang mga lungsod ng Butuan, Cagayan de Oro, Davao city, General Santos at Zamboanga City ng pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Samantala, nasa moderate risk na ang mga lunsod ng Cotabato at Iligan kung saan nakapagtala na lamang ng 5.57 at 5.86 na average daily attack rate (ADAR).
Matatandaang sinabi ng Department of Health (DOH) na nasa low to moderate risk na lamang ang buong Pilipinas dahil sa COVID-19 maliban sa SOCCSKSARGEN na nananatiling nasa high risk.
Facebook Comments