5 indibidwal, inaresto dahil sa paglalaro ng tupada sa Muntinlupa City

Arestado ang 5 indibidwal matapos mahuling naglalaro ng tupada sa PNR Site, Barangay Buli sa Muntinlupa City.

Kinilala ang limang naaresto na sina; Francus Mark Tabuac, 29-anyos; Federico Belza Jr., 64-anyos; Mario Cabanting, 55-anyos; Guelbert Taraya, 34-anyos at Jolan Ravela, 32-anyos.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nakatanggap ng tawag ang Muntinlupa Police mula sa isang concerned citizen na may nangyayaring tupada sa PNR Site, Barangay Buli sa Muntinlupa City.


Kaya naman agad binerepika ng mga pulis ang natanggap na balita at nang makumpirmang ito ay totoo agad ikinasa ang operasyon kaya nahuli ang lima.

Nakuha sa kanila ang 3,000 pisong bet money at 2 panabong na manok na may tari pa.

Sa ngayon, nahaharap na ang 5 naaresto sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o ang Illegal Cockfighting/Tupada.

Facebook Comments