5 indibidwal, options ni Pangulong Duterte para tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 National Elections

229

May choices na si Pangulong Duterte para sa susunod na tatakbo sa May 2022 National Elections.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, madaming options o choices ang pangulo.


Kabilang na rito sina Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Acting PDP-Laban President Senator Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao, Manila Mayor Francisco “Isko Moreno”, dating Senator Bongbong Marcos at si Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go.

Sa ngayon choices pa lamang ito ng pangulo at hindi pa tuluyang makapili ng kanyang manok sa pangkapangulo ng bansa para sa susunod na halalan dahil busy ito sa dami ng trabaho at sa nagpapatuloy na COVID-19 response ng pamahalaan.

Facebook Comments