Thursday, January 22, 2026

5 INDIBIDWAL, TIMBOG SA ILIGAL NA PAGSUSUGAL SA MANAOAG

Limang indibidwal ang inaresto ng pulisya matapos maaktuhan sa ilegal na pagsusugal sa isang operasyon sa Manaoag, Pangasinan noong Enero 21, 2026.

Isinagawa ang anti-illegal gambling operation ng Manaoag Municipal Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto ng limang residente ng nasabing bayan.

Kabilang sa mga suspek ang isang 43-anyos na lalaking gumagawa ng pamaypay; isang 41-anyos na babaeng tindera; isang 29-anyos na babaeng walang trabaho; isang 28-anyos na housewife; at isang 74-anyos na lalaki.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang kumpletong set ng baraha at bet money na nagkakahalaga ng Php 530.00 sa iba’t ibang denominasyon.

Ang mga inaresto ay dinala sa Manaoag Community Hospital para sa pisikal at medikal na eksaminasyon bago isinailalim sa kustodiya ng Manaoag Police Station para sa wastong disposisyon kaugnay ng paglabag sa Presidential Decree 1602.

Facebook Comments