5 karagdagang vaccination sites, bubuksan sa Makati

Inanunsyo ng Makati City Government ang bubuksan nitong 5 bagong vaccination sites sa lungsod simula sa April 13.

Layon nito na mapabilis ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa libu-libong senior citizens ng Makati.

Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, natapos na ang paglalagay ng equipments sa vaccination sites sa barangay covered courts ng Bel-Air, Forbes Park, San Lorenzo, Urdaneta, at sa Asia Pacific College sa Barangay Magallanes.


Ang Makati Health Department ay nag-deploy naman ng 3 vaccination teams kada-village para sa pagbabakuna ng Sinovac sa senior citizens sa 5 residents barangays.

Ayon kay Mayor Binay, magbubukas pa sila ng vaccination site sa Fort Bonifacio Elementary School sa West Rembo para naman sa pagbabakuna sa senior citizens sa District 2.

Target ng Makati Local Government Unit (LGU) na mabakunahan ng libre ang 155,000 senior citizens sa lungsod

Ang mga indibidwal naman na may comorbidities ay babakunahan sa Makati Coliseum

Ang mga residente naman at non-residents na nagtatrabaho sa Makati at nais magpabakuna ay kailangan lamang na magparehistro online, sumailalim sa counseling, screening, gayundin sa vaccination, at post-vaccination monitoring.

Facebook Comments