Cauayan City, Isabela- Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 ang tatlong katao matapos masamsaman ng mga matataas na uri ng baril ng isilbi ng mga awtoridad ang Search warrant sa magkahiwalay na lugar sa Cagayan Valley.
Kinilala ang mga suspek na sina Ramil Bilag o mas kilala sa bansag na Rodrigo Bilag.
Nakumpiska kay Bilag ang ilang matataas na uri ng baril gaya ng isang (1) unit M16 rifle with tampered serial number, dalawang (2) piraso ng long magazine para sa M16 may kasamang 28 live ammunition, isang (1) unit cal. 45, isang (1) piraso ng magazine para sa caliber .45 na may kasamang 7 piraso ng live ammunitions, walong (8) piraso ng live ammunition para sa caliber 45 na nakalagay sa isang black sling bag, pitong (7) piraso ng live ammunition para sa caliber 357 at isang (1) piraso ng green camouflage marked somar.
Bukod dito, naaresto din sa bisa ng search warrant si Jommel Sagun, 36-anyos, walang asawa, isang tricycle driver at residente ng Brgy. Magogod, Amulung, Cagayan.
Nakumpiska kay Sagun ang isang (1) piraso ng homemade Uzi na may nakalagay na 9mm bullets, 18 piraso ng live ammo at isang (1) piraso ng long magazine.
Naaresto din sina Gaspar Billion, 42-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Maluno Norte, Benito Soliven, Isabela na nagresulta ng pagkakadiskubre sa isang (1) caliber 38 revolver Smith at Wesson; Pepito Caleja, 71-anyos, may-asawa, retiradong BFP Personnel at residente ng Brgy. Kilkiling, Claveria, Cagayan habang nakumpiska ang isang (1) caliber 45 Remington at si Dionicio Maramag, 45-anyos, may-asawa, isang magsasaka at residente ng San Isidro, Iguig, Cagayan.
Nakumpiskahan si Maramag ng isang (1) caliber 45 pistol na may nakalagay na walong (8) piraso ng live ammunition, dalawang short magazine para sa caliber 5.56 rifle at 46 piraso ng mga bala.