5 Katao, Kalaboso sa Pagsasabong Habang Nag-iinuman!

85

Cauayan City, Isabela- Hindi nakaligtas sa mga alagad ng batas ang limang (5) kalalakihan na tinangka pang tumakas matapos na maaktuhang nagsusugal habang nag-iinuman sa Barangay San Jose, Lal-lo, Cagayan.

Ang mga nahuli ay nakilalang sina Jerry Siriban, 48 anyos; Rogie Vargas, 47 anyos; Cesar Valencia, 60 anyos; Melvar Valera, 29 anyos pawang mga residente ng Barangay San Jose, Lal-lo, Cagayan; at isang Mark Anthony Doniego, 29 anyos na taga Barangay Jurisdiction sa naturang bayan.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, agad na nagtungo sa lugar ang mga elemento ng PNP Lallo matapos na makatanggap ng impormasyon mula sa isang indibidwal at nang makarating sa naturang lugar ay nakita ang grupo ng kalalakihan na nagkukumpulan at nagsasabong (tupada) habang nag-iinuman.

Napansin naman ng mga suspek ang presensya ng mga pulis kaya’t agad na nagsitakbuhan subalit naaresto pa rin ang limang suspek habang nagawa namang makatakas ng isa nilang kasama.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang (1) panabong na manok, dalawang tari, pera na nagkakahalaga ng Php2,300.00 at dalawang (2) bote ng alak.

Dinala sa pulisya ang mga suspek at nakumpiskang items para sa karagdagang imbestigasyon habang inihahanda ng pulisya ang kasong isasampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments