5 Katao na Nakatanggap ng SAP, Huli sa Aktong Pagsusugal!

Cauayan City, Isabela- Arestado ang 5 katao matapos mahuling nagsusugal gamit ang baraha sa Brgy. Mabini, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Edwin Reyes, 18-anyos, isang pintor; Rodalyn Angeles, 28-anyos, walang trabaho; Crisanta Datangel,29-anyos; Maridel Valdez,48-anyos at Rubie Jane Bayaw-as,21-anyos pawang walang mga trabaho at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng presinto Uno ng Santiago City Police Office (SCPO), nahuli sa akto ang nasabing bilang ng tao habang naglalaro ng ‘pepito’ sa isang bakanteng lote.


Nabatid na ang mga suspek ay kabilang sa mga tumanggap ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program ng DSWD.

Nakumpiska sa mga ito ang barahang ginamit sa sugal at taya na P300.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling ang mga suspek.

Facebook Comments