5 katao patay sa karambola ng mga sasakyan sa NLEX sa San Fernando, Pampanga

Patay ang limang katao matapos na magkarambola ang tatlong sasakyan sa North Luzon Expressway sa San Fernando, Pampanga kahapon.

 

Ito ang kinumpirma ni Lt Col Ramon Zagala ang tagapagsalita ng Philippine Army

 

Aniya isang ten wheeler truck, isang SUV at isang Van patungong Cagayan ang nasangkot sa salpukan.


 

Nadaanan aniya ito ng mga tauhan ng 525th Engineer Combat Battalion ng Philippine Army ang aksidente na pabalik na sa Philippine Army headquarters matapos na tumulong sa search and rescure operation sa lindol sa Pampanga.

 

Tumigil ang kanilang team sa NLEX at tumulong sa pagsagip sa mga biktima ng karambola.

 

Maliban sa limang nasawi, may mga naitala ring sugatan sa nangyaring malaking aksidente na ngayon nasa ospital pa rin.

Facebook Comments