Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng limang (5) panibagong kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Cauayan.
Ang mga nagpositibo ay sina CV2208 at CV2210, mga kamag-anak ng nagpositibong si CV2132 na residente rin ng Barangay District III.
Dalawa rin dito ay sina CV2209, CV2211 na mga residente ng Barangay Labinab at mga trabahador ni CV2132 na kasamahan niya sa Primark Palengke.
Ang panglimang nagpositibo ay si CV2213, isang physician secretary ng isang clinic.
Mula sa insiyal na imbestigasyon ng City Health Office, napag-alamang nagpacheck-up sa clinic na ito ang anak na si CV2210.
Nagpapatuloy naman ang pagsasagawa ng contact-tracing ng City Health Office upang matukoy ang mga posibleng nakasalamuha ng mga nagpositibong pasyente.
Sa kasalukuyan, mayroong 24 na aktibong kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Cauayan.