5 kidnapper na Chinese at isang Filipino, arestado sa pagdukot sa isang 23-anyos na Chinese POGO worker sa Parañaque City

Nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang anim na kidnapper sa kanilang isinagawang rescue operation sa Parañaque City kahapon.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, dinukot ng anim na kidnaper ang isang 23-anyos na Chinese POGO worker sa Bradco Avenue corner Cuinco St., Aseana, Brgy. Tambo, Parañaque City at pinilit isinakay sa isang van.

Agad naman itong napansin ng hotel security personnel kaya inireport sa Sub-Station 2 of Parañaque City Police Station ang pangyayari.


Ikinasa agad ng mga pulis ang rescue operation dahilan para marescue ang biktima at mahuli ang anim na kidnappers.

Ang mga ito ay kinilalang sina Li Yang, Zhou Hao, Liu Jie Yong, Zhang Jia Haq, Qui You Bo lahat sila ay mga Chinese habang ang kanilang nagsisilbing driver ay isang FIlipino na kinilalang si Nelson Malavega.

Sila ngayon ay nasa kustodiya ng Parañaque PNP at nahaharap na sa kaso.

Facebook Comments