5 kilometrong farm to market road sa Mamasapano!

Mas madali na ngayong maililuwas sa kabayanan ng mga mga magsasaka ang kanilang mga produkto dahil sa Farm to Market Road na nag-uugnay sa tatlong mga barangay sa bayan ng Mamasapano sa Maguindanao.

Ang P50-M na halaga ng concrete road ay nag-uugnay sa mga barangay ng Phil. Trade, Duguengen at Tukanalipao.

Iti-nur-over na ito ng FFJJ Construction at pormal na tinaggap ni Mamasapano Mayor Tahirodin Benzar A. Ampatuan
Ang seremonya ay sinaksihan ng DAF-ARMM HDAP focal person Engr. Abraham A. Onotan, HDAP PMO Rayhana Midtimbang, RPMC at ng barangay officials.
Ang naturang programa ay ipinatupad ng DAF-ARMM at pinondohan ng ARMM-HDAP.


Facebook Comments