5 Labi ng mga Sundalong Namatay sa Bakbakan sa Sulu, Sasalubungin Ngayong Araw sa TOG-2 Cauayan City, Isabela!

2023

Cauayan City, Isabela- Sasalubungin ngayong araw, April 19, 2020 ng pamunuan ng 5th Infantry Division, Philippine Army sa pangunguna ni Commanding General Pablo Lorenzo, kasama ang mga naulilang pamilya ng 5 sundalong nagbuwis ng buhay sa nangyaring bakbakan sa Brgy. Danag, Patikul, Sulu noong April 17, 2020.


Inaasahang darating mamayang alas 11:00 ng umaga lulan ng C2295 plane ang mga labi nina SSg Jayson P. Gazzingan, ng Brgy. San Rafael East, Sta Maria, Isabela; Cpl Ernesto L. Bautista Jr., Brgy Naguilian Sur, City of Ilagan, Isabela; Pfc Jomel N Pagulayan, Brgy Cataggaman Pardo, Tuguegarao City, Cagayan; Cpl Rasul B. Ao-as, ng Brgy Magsilay, Pasil, Kalinga at si Pfc Benson A Bongguic, ng Brgy Caloocan, Rizal, Kalinga.

Ang lima ay tropa ng 21st Infantry Battalion sa ilalim ng 11th Infantry Division na kabilang sa 11 sundalong nasawi sa pakikipagbakbakan sa tinatayang 40 Abu Sayyaf kung saan nasa 14 sundalo naman ang Wounded in Action (WIA) sa nangyaring labanan.

Facebook Comments