Lima mula sa pitong lambanog samples na nakolekta ng Food and Drug Administration (FDA) Regulatory Inspectors mula sa ilang mga seller o nagbebenta sa Rizal, Laguna ang nagpositibo sa mataas na lebel ng methanol.
Ito ang inanunsyo ngayong araw ni FDA Officer in Charge, Department of Health (DOH) Undersecretary Eric Domingo.
Ang samples ay nakolekta noong December 23, 2019 at nasuri ng FDA Laboratory.
Lima sa samples na nagpositibo sa high levels ng methanol ay nakitaan ng 11.4% hanggang 18.2% ng methanol.
Ang mga ito ay nakolekta mula kay Rey Lambanog, sa Emma’s Lambanog Store at Orlando Mapa Store.
Ayon kay Domingo, ang methanol o kilala rin na wood alcohol, ay flammable at poisonous liquid. Ang ingestion o pag-inom ng 30ml nito ay potentially fatal o masama sa katawan at maaaring makamatay.
Nauna nang sinabi ng DOH na hindi bababa sa labing dalawa ang kumpirmadong nasawi dahil sa pag-inom ng lambanog, sa Rizal, Laguna.
Habang marami pang pasyente ang nasa mga ospital at patuloy na inoobserbahan dahil sa methanol poisoning.