Umabot sa limang Local Government Units (LGU) sa National Capital Region (NCR) ang lumahok sa kick-off ng pediatric vaccination sa mga edad 5 hanggang 11 ngayong araw.
Ayon kay Presidential Adviser for COVID-19 Response at Testing Czar Vince Dizon, kabuuang 38 na LGUs ang inaashaan inaasahang makikilahok sa unang linggo ng pediatric vaccination sa nasabing age group.
Kabilang na rito ang ibang lungsod sa NCR, Regions 3 at 4.
Nilinaw naman ni Dizon na walang batang babakunahan ng walang pahintulot mula sa kanilang mga magulang.
Samantala, sinabi naman ni Department of Education (DepEd) Bureau of Learner Support Services School Health Division Chief Dr. Maria Corazon Dumlao na hindi mamarkahang absent ang mga mag-aaral na liliban sa klase para magpabakuna.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng inisyatiba ng kagawaran para suportahan ang pediatric vaccination ng pamahalaan para sa younger group.