5 LGUs, ginawaran ng pagkilala ng DILG dahil sa pag-rehabilitate sa Manila Bay watershed area sa gitna ng COVID-19 pandemic

Tatlong lungsod at dalawang munisipalidad ang ginawaran ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng Manila BAYani Awards dahil sa kanilang pagsisikap na i-rehabilitate ang Manila Bay watershed area sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Mismong si DILG Secretary Eduardo Año ang nag-abot ng parangal at incentives sa lungsod ng Biñan sa Laguna (1st place), lungsod ng Balanga sa Bataan (2nd place), at Navotas City (3rd place) para sa city category.

Gayundin sa munisipalidad ng Kalayaan sa Laguna (1st place) at Baliwag sa Bulacan (2nd place) para sa municipality category.


Ang first-time winner na lungsod ng Biñan ay nakatanggap ng ₱1.5-million habang ang three-time finalist na lungsod ng Balanga, at Navotas City ay nakatanggap ng ₱750,000 at ₱500,000.

Ang munisipalidad ng Kalayaan sa Laguna ay nakatanggap ng ₱1.5-million habang ₱750,000 para sa three-time winner na Baliwag, Bulacan para sa municipality category.

Sa ilalim ng Mandamus ng Supreme Court, ang DILG ang naatasang mag-supervise sa mga LGUs sa Region 3, 4-A at sa National Capital Region (NCR) na nasa bisinidad ng Manila Bay watershed para sa kanilang mga programa at aktibidad para sa rehabilitation.

Facebook Comments