Malaki ang tiyansang bumaba na ang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa Department of Health (DOH), ito ay kung magsasagawa ng 5 linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Kung 1 linggong GCQ with heightened restrictions, 3 linggong ECQ, at 2 Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), posibleng umabot ng 42,050 ang aktibong kaso kada araw.
Pero kung 1 linggong GCQ with heightened restrictions, 2 linggong ECQ, at 3 linggong ECQ ay maaaring umabot na lamang ng 58,255 ang aktibong kaso sa katapusan ng Setyembre.
Nagpaalala naman si Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maaari pa ring magbago ang projection depende sa kilos ng publiko.
Facebook Comments