Gagawa ng gamot laban sa tuberculosis ang limang local drug manufacturer sa bansa ayon sa Private Sector Advisory Council (PSAC).
Ito’y bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na gumawa ng gamot para sa TB at human immunodeficiency virus o HIV.
Sa pulong sa Malacañang, sinabi ni PSAC-Healthcare Sector Group President Paolo Borromeo., na mayroong 24 na drug manufacturers ang nagpahayag ng kahandaang gumawa ng anti-TB drugs habang isa naman para sa gamot sa HIV.
Sa naturang bilang, limang kumpanya ang pumirma para makikibahagi sa produksiyon ng anti-TB, gayundin sa bidding na pangungunahan ng Department of Health (DOH).
Bukod dito, magkakaroon din parehong plano para sa HIV, na isa sa tinututukan ng administrasyong Marcos.
Welcome naman sa PSAC ang desisyon ng Food and Drug Administration (FDA) na aprubahan ang green lane program para sa mga gamot sa TB at HIV.