5 lugar sa bansa na nasa Alert Level 4, tinukoy ng DOH

5 lugar sa bansa ang nasa Alert Level 4 o moderate hanggang high risk classification dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

Tinukoy ni Dr. Alethea de Guzman, Director ng Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau ang Catanduanes, Benguet, Ifugao, Negros Oriental, at Santiago City sa Cagayan Valley.

Ayon kay De Guzman, lagpas sa 70 percent na ang health system capacity sa naturang mga lugar.


Ang Catanduanes at Benguet ay kapwa 73 percent na ang bed utilization rate habang 80 percent naman ang Negros Oriental at Santiago City.

Ang Ifugao naman ay nasa 76 percent ang Intesive Care Unit (ICU) utilization rate.

Nakapagtala rin ang naturang mga lugar ng hindi bababa sa anim na kaso na positibo sa variant of concern sa pinakahuling genome sequencing.

Facebook Comments