5 lugar sa Batangas, nakapagtala ng bago at aktibong kaso ng ASF -DA

Nadagdagan pa ang mga lugar na nagkaroon ng bago o aktibong kaso ng African Swine Fever o ASF.

Sa isang press briefing, sinabi ni Undersecretary Arnel de Mesa, tagapagsalita ng Department of Agriculture (DA), batay umano sa tala ng Bureau of Animal Industry.

Kabilang rito ang munisipalidad ng Lobo, Lian, Rosario at Calatagan sa Batangas.


Habang resurgence naman ng ASF ang naitala sa lungsod ng Lipa.

Una nang sinabi ng DA na posibleng epekto ito ng nagdaang bagyo at pagbaha dahil tubig ang isa sa mga dahilan sa pagkalat ng virus.

Ani De Mesa, sa ngayon, aabot na 150 barangay sa buong bansa ang mayroong aktibong kaso ng ASF na tinutugunan na ng pamahalaan.

Facebook Comments