5 Lugar sa Cagayan Valley, Aktibo pa rin sa Community Transmission

32

Cauayan City, Isabela- Nananatili sa ‘active status’ ng Community Transmission ang apat na siyudad at 1 bayan sa lambak ng Cagayan batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) region 2.

Kinabibilangan ito ng Tuguegarao City sa lalawigan ng Cagayan; City of Ilagan, Cauayan City, Santiago City sa Isabela at Solano, Nueva Vizcaya.


Nakasaad sa COVID-19 summary report as of March 4, may pinakamataas pa rin na cases linked ang Tuguegarao City na umabot sa 123 sinundan ng Santiago City na may 87; Cauayan City na may 27, City of Ilagan na 15 at bayan ng Solano na 0.

Inaasahan naman na sa susunod pang buwan ang posibleng containment ng mga kaso ng COVID-19 kung hindi na madadagdagan pa ang mga nagpopositibo sa sakit.

Palagian namang paalala ng mga health authorities ang pagsunod sa umiiral na standard protocol.

Facebook Comments