5-M CAMPAIGN FUND | Malacanang, walang kinalaman sa isiniwalat ni Napoles laban kay Senador Drilon

Manila, Philippines – Dumistansiya ang Palasyo ng Malacanang sa mga isiniwalat ng tinaguriang Pork Barrel Queen na si Janet Lim Napoles na humingi umano ng 5 milyong piso si Senador Franklin Drilon sa kanya para sa campaign fund.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, walang katotohanan na sila ang nagpalutang kay Napoles para masampahan ng kaso ang kanilang mga kalaban sa Pulitika.

Binigyang diin ni Panelo na walang kinalaman ang malacanang sa paglutang ni Napoles.


Paliwanag ni Panelo, isa sa pangunahing pulisiya ng Administrasyong Duterte ay huwag manghimasok sa anumang trabaho ng isang hiwalay at kapantay na sangay ng gobyerno o ano pa mang sangay ng gobyerno.
Matatandaan na sinabi ni Panelo na kailangang patunayan ni Napoles ang kanyang mga alegasyon laban kay Drilon.

Facebook Comments