5-M CAMPAIGN FUND | Napoles, dapat maglabas ng sworn statement sa isiniwalat tungkol kay Senador Drilon

Manila, Philippines – Inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na kailangang patunayan ng tinaguriang Pork Barrel Queen na si Janet Lim Napoles ang kanyang ibinunyag na humingi sa kanya ng 5 Milyong Piso si Senador Franklin Drilon para sa campaign fund nito.

Ayon kay Panelo, dapat ay gumawa ng sinumpaang salaysay si Napoles kaugnay sa kanyang naging pahayag.

Paliwanag ni Panelo, ituturing tsismis lang ang kanyang mga ibinulgar hanggang ito ay kanyang hindi napatutunayan kaya mas magandang maglabas ito ng mga matitibay na ebidensiya matapos gumawa ng sworn statement.


Matatandaan na sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na kailangang imbestigahan ang lahat ng mga sangkot sa Pork Barrel Scam para mapanagot ang lahat ng mga mapatutunayang may sala.

Facebook Comments