5-M deboto, inaasahang dadagsa sa ‘Walk of Faith’ ng Nazareno 2023 – MPD

Kahit hindi kasama ang imahe ng Itim na Nazareno, inaasahan pa rin ng mga Manila Police District (MPD) na aabot sa limang milyong deboto ang lalahok sa’Walk of Faith’ sa ng Pista ng Itim na Nazareno.

Ayon kay MPD Director PBGen. Andre Dizon na inaasahan ang naturang bilang dahil sa pagkasabik ng mga deboto na lumahok sa mga aktibidad ng Quiapo Church na natigil sa nakalipas na dalawang taon.

Nakalatag naman ang kanilang seguridad para sa ‘Walk of Faith’ na siyang ipinalit sa Traslacion.


Isa rin itong prusisyon ngunit ang pagkakaiba ay hindi na isasama rito ang imahe ng Itim na Nazareno sakay ng andas kaya mas magiging mabilis ito.

Nagsagawa na rin ng ‘walkthrough’ at inspeksyon ang MPD sa mga lugar na pagdarausan ng mga aktibidad kabilang ang ruta na daraanan ng prusisyon, na Quirino Grandstand, Jones Bridge at ilan pang mga kalsada sa paligid ng simbahan ng Quiapo.

Facebook Comments