5-M indibidwal, target mabakunahan kada linggo – NTF

NTarget ng National Task Force against COVID-19 na makapagbakuna ng limang milyong indibidwal kada linggo.

Ayon kay NTF spokesperson Restituto Padilla, ito ay para maubos ang suplay na 20 hanggang 25 million doses ng bakuna kada buwan.

Aminado si Padilla na kulang ang mga vaccinators sa ilang inoculation centers kaya bumabagal ang pagbabakuna sa bansa.


Isa rin sa dahilan ay ang pagsususpinde sa walk-in vaccination dahil sa posibilidad na magresulta ito ng community transmission ng virus sa gitna ng banta ng Delta variant.

Sa ngayon, 194.89 million doses ng COVID-19 vaccines na ang na-secure ng Pilipinas para sa taong ito, na sapat para maturukan ang lahat ng eligible population.

Facebook Comments