5 Mabilis na Paraan Para Maging Kutis Koreana

IMAGE: PAPASEMAR.COM

Marami ang sa ati’y gustong gusto makamit ang koreana kutis na maputi at nag go-glow pa, Di na kailangang gumastos ng malaki para sa mga mamahaling skin care products. Ito ang ilan sa mga tips o pamamaraan para mabilis na ma- achieve ang kutis koreana.

  1. Bigyan ang mukha ng masahe habang naliligo– Habang naliligo gumamit ng warm water para mabuksan ang pores at saka masahiin ang mukha ng gentle. Ito ay nakatutulog sa pag increase ng circulation sa mukha na nakakatulong para sa kutis koreana looks.

2. Gumamit ng products na banayad sa skin– Hindi nakakaganda ang pag gamit ng mga produktong mataas ang chemical content at maaari pang maka apekto ng masama sa iyong balat.


3. Kumain ng prutas at gulay– Ang pagkain ng prutas at gulay ay nakatutulong sa katawan upang magkaroon ng mga vitamins na siyang nakapag bibigay ng glowing skin. Wag din kalimutang uminom ng tubig regularly para ma detoxify ang katawan at maging fresh ang skin.

4. Mag exercise regularly– Ang pag e-exercise regularly ay nakatutulong din sa skin para ma achieve ang koreana kutis dahil na i-increase nito ang daloy ng dugo na siyang nagbibigay ng koreana kutis.

5. Huwag mahihiyang magtanong– Huwag mahihiyang magtanong sa mga propesyonal tungkol sa mga ginagamit sa balat. Suriin ding mabuti ang mga binebenta at wag mag papaniwala agad sa sinasabi ng iba na pampaganda at pampa kinis ng kutis na produkto dahil minsa’y peke ang mga ito at maaari pang magdulot ng kumplikasyon sa iyo.

Ilan lamang yan sa mga pamamaraan na pwedeng gawin upang ma achieve ang koreana kutis, lagi din tandaan na ang pagmamahal sa sarili ay mas nakatutulong upang ma achieve ang dream kutis o looks ninyo.  


Article written by Andy Canonoy

Facebook Comments