5 Magsasaka, Huli sa aktong Namumutol ng Narra Tree

*Cauayan City, Isabela*- Natimbog ng mga awtoridad ang limang katao matapos magpuslit ng pinutol na kahoy ng Narra sa Brgy.Inaban, Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang mga suspek na sina Federico Magpale, 65 anyos, may asawa, residente ng Purok Namnama, Zone 3, Brgy. Malasin; Angusto Alacquino, 55 anyos, may asawa, residente ng Brgy. Inaban; Rogelio Plamo, 44 anyos, residente ng Brgy. Parai; Arnold Altura, 42 anyos, residente ng Brgy. Inaban ; at Dennis Tumitit, 48 anyos, at residente ng Brgy. Parai at kapwa mga magsasaka at residente sa Bayan ng Dupax Del Norte.

Ayon sa ulat ng pulisya, inaresto ang mga suspek pasado 11:45 kahapon ng umaga, Marso 15, 2020 sa Purok Mlaigaya, Brgy. Inaban, Dupax Del Norte matapos makatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen at naaktuhan ang pamumutol ng kahoy ng mga suspek


Sinampahan na ng kasong paglabag sa PD 705 (Anti-Illegal Logging Law) at RA 9175 (Anti- Chainsaw Act)

Facebook Comments