5-Man Advisory Group, nakapag-evaluate na ng 466 courtesy resignation ng mga 3rd level official ng PNP

Muling nagpulong kahapon ang 5-Man Advisory Group ng Philippine National Police (PNP).

Ito’y para sa ebalwasyon ng mga courtesy resignation na isinumite ng 3rd level officials ng PNP.

Ayon kay PNP-PIO Chief at 5-Man Advisory Group Spokesperson PCol. Red Maranan, nakapagsala na ang komite ng 466 na courtesy resignations mula sa kabuuang 955 senior officers.


Aniya, ang nalalabing mahigit 400 naman ay sasalain sa susunod na pulong na napagkasunduang gawing 2 beses sa kada isang linggo para mabilis na matapos.

Samantala, sinabi pa ni Maranan na naghahanda na ang 5-man advisory group ng comprehensive report na isusumite kay DILG Secretary at NAPOLCOM Chairman, Atty. Benjamin Abalos na siya namang magpapasa ng rekomendasyon para paarubhan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Target ng advisory group na matapos ang vetting process bago ang 3 buwang deadline period.

Facebook Comments