5-man advisory group, patapos na sa pagsasala ng courtesy resignations ng mga 3rd level official ng PNP

Patapos na ang five-member advisory group sa screening ng courtesy resignations ng mga third-level official ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Redrico Maranan, nasa final stretch na ang advisory group ng review at evaluation ng mga courtesy resignation ng mga koronel at heneral ng PNP.

Pagtitiyak pa ni Maranan, tatapusin ng advisory body ang vetting process bago ang nakatakdang retirement ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr.


Si Azurin ay nakatakdang magretiro sa serbisyo sa April 24.

Paliwanag ni Maranan, magsusumite ang komite ng report kay Interior Secretary Benhur Abalos para sa endorsement kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung kaninong resignation ang tatanggapin.

Matatandaan noong Enero hinamon ni Abalos ang 955 police colonels and generals na maghain ng kanilang courtesy resignation na layuning linisin ang hanay ng PNP mula sa iligal na droga.

Facebook Comments