5 mangingisda, nasagip matapos mahagip ang kanilang bangka ng isang Chinese vessel

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang limang mangingisda matapos mahagip ang kanilang bangka ng isang chinese vessel.

Ito’y sa may bahagi ng karagatan sakop ng Paluan, Occidental Mindoro malapit sa Pandan Island, Sablayan.

Ang mga nasabing mangingisda ay sakay ng FBCA Ruel J kung saan ang kanilang bangka ay nahatak ng Fishing Banca Joker katulong ang Fishing Banca Precious Heart at Fishing Banca Jaschene.


Kwento ng mga mangingisda, hindi na sila binalikan o hinintuan ng vessel na MV TAI HANG 8 kung saan nagtuloy-tuloy ito sa paglalayag.

Nasa maayos naman kalagayan ang mga naligtas na mangingisda matapos alalayan ng mga tauhan ng Coast Guard.

Kaugnay nito, nakauwi na rin sa kani-kanilang pamilya ang limang mangingisda habang patuloy ang imbestigasyon sa nangyaring insidente.

Facebook Comments