Patong patong na kasong plunder at graft ang isinampa ng complainant na si Atty. Berteni Cataluna Causing sa Office of the Ombudsman laban sa limang mataas na opisyal ng DSWD, isang congressman ng region 12 at anim na iba
Ito ay may kinalaman sa umanoy over-priced na family food packs na ipinamudnod ng DSWD para sa mga evacuees ng Marawi siege.
Kabilang sa kinasuhan ay sina Regional director Bai Zoraida Taha ng DSWD region 12, at Rohaifa Calandaba, accountant ng DSWD Region 12 at limang iba pa.
Ayon kay Causing, pinresyuhan ng halagang 515 pesos per pack ang biniling grocery items hayong sa aktuwal na presyo ay 318 pesos nito kung bibilhin sa merkado.
Sabu ni Causing, kumick back ng mahigit 224 million pesos ang mga nabanggit na opisyal sa pagbili ng 1.1 million na family food packs.
Dawit din sa kaso si Cong. Ferdinand Ledesma Hernandez ng 2nd district ng South Cotabato dahil kapatid niya ang may ari ng Tacurong Fitmart na pinagbilhan ng mga overpriced na food packs.
Batay sa dokumento na hawak ni Causing, mismong sa bahay ni Cong. hernandez ginawa ang repacking ng mga food packs.
Paliwanag ni Causing na bukod sa hindi naodeliver ng buo hanhgang sa ngayon ang mga food packs ay sa inuuod din ang mga ito.