5 mayor, kakasuhan dahil missing in action noong bagyong Ompong

Limang mayor mula sa Northern Luzon ang posibleng maharap sa kasong administratibo sa Office of the Ombudsman matapos mapatunayan ng DILG na missing in action sila habang nanalasa ang bagyong Ompong noong nakaraang taon.

Habang anim namang mayor ang pinadalhan ng written admonition.

Ayon kay DILG Assistant Secretary and Spokesperson Jonathan Malaya, base sa findings at recommendations ng DILG Central Office validation team, hindi katanggap-tanggap ang paliwanag ng limang mayor na nagpabaya sa kanilang tungkulin sa kasagsagan ng pagtama ng kalamidad sa kanilang lugar.


Habang ang anim na mayor ay personal magpapaliwanag kay DILG Secretary Edurado Año kung bakit wala sila sa kasagsagan ng bagyong Ompong.

Sa labing anim na mayors na inimbestigahan tanging isa lamang ang nakitang katanggap-tanggap ang paliwanag kung bakit wala sa kanyang syudad dahil may kaso itong kinakaharap.

Habang apat pang mayor ang patuloy ang validation kung may presenya sila sa panahon ng kalamidad o katanggap-tanggap ang kanilang paliwanag kung wala bakit wala sila sa kasagsagan ng bagyong Ompong.

Una nang nagpalabas ang DILG ng show cause orders laban sa 16 mayors mula Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region (CAR), matapos makumpirma ng DILG na wala ang kanilang presensya habang nanalasa ang bagyong Ompong.

Facebook Comments