5 Memorandum of Understanding, nalagdaan sa pagbisita ni Sri Lankan President Maithripala Sirisena sa bansa

Manila, Philippines – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang karangalan na makaharap niya si Sri Lanka President Maithripala Sirisena kung saan ay sinabi din ng Pangulo na sanay maging mas malalim pa ang relasyon ng Pilipinas at ng Sri Lanka.

Sinaksihan naman ng dalawang lider ang 5 Memorandum of Understanding.

Partikular ditto ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Department of National Defense ng Pilipinas at Ministry of Defense ng Democratic Socialist Republic of Sri Lanka kung saan ay particular ng pagkakaroon ng Defense at Military Education at training pati narin ang exchanges of Defense and Military Delegations.


Nilagdaan din ang MOU on Cooperation in Agriculture, Fisheries and Related Fields sa pagitan ng Dalawang bansa.

Nalagdaan din ng MOU on Academic Cooperation on Higher Education sa pagitan ng Commission on Higher Education at ang Ministry of City Planning, Water Supply and Higher Education ng Sri Lanka.

Ika–4 na nalagdaang MOU ay ang sa pagitan ng Department of Tourism at Ministry of Tourism development ng Sri Lanka na naglalayong palakasin pa ang ugnayan ng dalawang bansa sa nasabing sector.

Huling MOU naman na nalagdaan ang sa pagitan ng University of the Philippines Los Baños at Sri Lanka Council for Agriculture Research Policy of the Ministry of Agriculture, Rural Economic Affairs, Livestock, Irrigation, Fisheries and Aquatic Resources Development para sa mas malakas na ugnayan sa larangan ng agrikultura.

Facebook Comments