
Na-rescue ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 5 menor de edad na biktima ng online sexual exploitation sa magkahiwalay na operasyon sa Ormoc City, Leyte.
Kabilang sa na-rescue ang 15 anyos na biktima.
Unang nag-report ang Facebook sa mga awtoridad hinggil sa 13 insidente ng Child Sexual Abuse and Exploitation Materials (CSAEM) na ina-upload at dini-distribute sa pamamagitan ng Messenger.
Nabatid na mismong ina ng biktima ang nakikipagtransaksyon sa isang 41 anyos na si JP Chase mula sa Hartselle, Alabama, USA.
Ang ikalawang kaso naman ay ini-report ng Google at Facebook hinggil sa online sexual abuse at exploitation sa mga bata.
Kabilang dito ang pag-iingat, pag-manufacture, at distribution ng CSAEM kung saan ang ina rin ng mga biktima ang suspek.
Ang mga biktima ay may edad 3, 4, 7, at 8.
Ang suspek ay nahaharap sa mga kasong Cybercrime Prevention Act of 2012), Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012) at “Child Abuse Law”.









