Gagamitin sa limang military camps ng Armed Forces of the Philippines ang ibinigay na 50 E- trikes ng Department of Energy.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Col. Noel Detoyato, ang pamimigay ng DOE ng mga E-trikes ay bahagi ng pag-iintroduce ng ahensya ng Energy Efficient Electric Vehicles Project or the E-Trike Project.
Makakatulong ito sa pagpo-promote ng energy efficiency at clean technologies sa sektor ng transportasyon.
Ang limang military camps ay ang Camp Aguinaldo sa Quezon City ang AFP headquarters, Camp Aquino sa Tarlac, Camp Nakar in Quezon Province, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, at Sangley Point in Cavite.
Gagamitin ang mga E-trikes na ito sa loob ng kampo ng mga sundalo, civilian employees, churchgoers, mga turista at iba pang bisita na tutungo sa limang kampo.